|
FOR ADELROSARIO WHO IS SUGGESTING THAT WE LOOK INTO A GOOGLE WEBSITE WHICH CLAIMS OVERPOPULATION IS A MYTH AND WHO SAYS IF ONE LOVES THE COUNTRY, HE COULD NOT BE PRO-RH BILL:
adelrosario, of course sa mga loyalista ni Padre Damaso na kagayo mo, wala kayong pakialam sa mga nangyayari dito sa bansa natin on the ground. Parehas nyo rin si Pacquiao na masyadong literal ang pakaintindi sa mga bagay-bagay. Komo's may word na divided doon sa sentence na United we stand, divided we fall, dinivide naman.. Ang gusto nyo seguro sabihin e para matawag na overpopulated ang Pilipinas, ang situation sa Divisoria tuwing bago pasukan e maduplicate mula Batanes hanggang Julo. Ang overpopulation sa tunay na buhay e kung mas marami ang tao kaysa doon sa resources, economic opportunities and services available sa isang lugar. For example, ang income ng mag-asawa e kasya lang para sa dalawang anak at ang barong-barong nila e kasya lang para sa dalawang anak at ang actual na anak nila dahil nakikinig sila sa turo ni Padre Damaso e lima, may overpopulation sa pamilya nila. Palagi nyong sinasabi na marami pang vacant space sa Pilipinas na kung saan dapat maredistribute ang mga tao para even at walang overcrowding sa ibang lugar at bakante naman sa iba. Kung sabihin namin na lilipat kayo sa Sahara Desert dahil maluwang doon at very low ang population density, gusto nyo? Yong ang punto dito adel. Dito sa Pilipinas lahat ng puedeng makasustain ng buhay na mga lugar okupado na maliban na lang kung gusto mong manirahan at maghanap ng ikabubuhay sa mga lugar na walang tubig at di tumutubo ang halaman dahil infertile ang lupa. Kung kayo kayang mga anti-RH irelocate namin sa mga lugar dito sa Pilipinas na bakante pa kagaya ng mga matatarik na bundok sa Cordillera? Kayong mga alagad ni Padre Damaso, wala sa google at pacland ang reality on the ground dito sa bansa natin. Buksan niyo ang mga mata at puso nyo. Huwag lang si Padre Damaso ang isipin at mahalin nyo. Bigyan din nyo ng puwang sa puso nyo ang mga milyongmilyong mga Pilipino na hindi pa nga alam kung ano ang google dahil sa kahirapan. Bakit, may makukuha ba tayong ikabubuhay sa mga detached from local realities na mga websites na yan? Ang igoogglemo minsan e kung ilang Pilipino ang living below the poverty line. At minsan mapadaan ka sa DSWD sa inyo, itanongmo sa kanila yong result ng 4Ps survey. Total nagiispendka naman ng time sa google para maghanap ng ammunition kontra sa RH bill, for a change go actual. Tignan mo doon kung ilan sa mga 4Ps beneficiries diyan sa inyo na may anak na lima kompara doon sa may mga anak na dalawa. Pero bat kita linilekturan at halata naman na nabilog ni Padre Damaso ang utakmo? Talking about Padre Damaso, di niya alam na maski ang RC e overpopulated. Ganito yon adel na may rosario. Ang mga schools ang ratio per teacher ata e something like 1 to 50 students. Doon ay education lang ang pakay. Sa RC na ang pakay e para maligtas kaluluaw ng mga tao sa impierno, ang ratio yata per Padre Damaso e 1 is to 10,000 kaya tuwing misa lang sila nagkikita at ni hindi kilala ng mga pare ang kanyang mga parishioners. So anong expectmo na mangyari? Ang moralidad ba e maituromo sa 30 minutes sa isang linggo? Yong Thou shalt not steal na commandment ba e kaya mong ituro sa 30 minutes sa isang lingo? No wonder natatakot ang mga pari na pag libre na ang contraceptives, maging mas laganap ang immoralidad at yong tinatawag nilang promiscuity kung anuman yon dahil alam nila sa kanilang utak na kulang ang turo nila sa mga Katoliko. At paano naman e di naman sila Wonder Woman. Tao lang naman sila pero iba yata akala ni Bishop Bacani pero ibang usapan na yon. Ratio Filipino priest to parishioners 1 is to 10,000! Tignan naman natin sa INC at ibang churches, yong mga churches na di takot na maski babaha ng condom dito sa bansa e maapektohan ang moralidad ng kanilang miembro, mas mababa ang ratio per preacher to members na di hamak. Wala kang makita doon sa google noon kaya ang advise ko sa iyo pagkagaling sa DSWD, daan ka sa isang simbahan ng INC or Methodist o Baptist. Tanungin mo sa pastor kung kilala niya lahat ang mga nagsisimba sa church niya. Libutin mo simbahan niya. Wala kang makikita na screen sa labas ng simbahan para sa mga di makapasok sa loob di kagaya sa Quiapo Church niyo. Meaning sa kanila, hindi overpopulated. Katamtaman lang. Itanongmo kung binibisita nila ang mga members nila maski hindi pa sila may sakit o namatay at sasabihin niya oo. Alam ko yong dahil di kagayo nyong mga antiRH, nagoobserve ako. Tongkol naman sa mga nagkakasala ng mga member nila ang tanungin mo. Kagaya ba ng isang priest nyo na noong nakitang mas nakakarami ang mga artista na kumampi sa amin e siniraan sa media ang mga artistang iyon na mga dati na raw sila immoral kaya ang tendency e punta talaga sila sa RH Bill? Hindi na niya inisip na mga Katoliko yon at dapat din niyong tulungan para maituwid ang landas at di siraan sa media. Malamang na sabihin sa iyo na binibisita at kinakounsel at pinipray over or something like that. Basta may attempt sa part ng simbahan nila para ituwid ang landas noong troubled member. Kaya segurado ko na kung may survey na gaganapin yong mga makasalan sa church nila at makasalan kina Padre Damaso, yong percentage e iba in favor sa kanila. Ngayon siempre seguro pag di close na close ang utak mo, di ang sunod na puntahan mo ngayon ay ang pari niyo. Sharemo yong finding mo na dapat pala binibisito ang mga miembrong nagkakaproblema dahil epectibo pala yon para di mapariwara ang mga miembro. Ang segurado ko adel maski makita ng pari ang punto mo, sahibin niya na imposible dahil mag-isa lang siya at kayo ay 10,000. Hindiko sinasuggest na magpasa ng RC ng RH Bill para sa kanilang simbahan dahil ibang kuento yon. Pero puede nyong ikonsider kung gusto nyo. Ang gusto ko lang na imartilyo sa kukutemo e, hindi density ang measurement ng overpopulation kundi yong avaiability of adquate services for all the people in the given location. Kung kagaya sa RC na ang pari lang e sabihin natin e 10,000 sa buong Pilipinas, ang kaya lang seguro nila para magabayan ng husto ang mga Katoliko e 3,000 per priest. So that means 30,000,000 lang na Katoliko ang maserve. Yon e kung walang inaatupag na iba yong mga ibang pare kagaya ni Fr Robert Reyes na always running away from what he should really be doing o kagaya ng iba diyan na ginawa ng fulltime ang pakikipaglaban sa RH at may talagang itinalaga na yata ang CBCP para mag-isip 24 hours a day ng kung ano anong paninira at pananakot kay Pinoy. Siempre hanggang di matapos itong RH issue na ito, medio masakrpisyo muna yong spiritual welfare ng 3,000 parishioners nila. Ngayon adel sino naman ngayon ang aasikaso sa ispiritual na panngangailangan noong natitirang 30,000,000 na Katoliko na di kaya noong 10,000 na pari nyo? Napalayo na yata sa original issue pero don't give us this crap na dahil sinabi ng google ang ganito ganyan, di na namin mahal ang ating bansa dahil naniniwala kami sa RH Bill. Hindi kami sa computer tumitingin pero sa tunay na situasyon. Kung minsan seguro sama kayo sa amin. Bring your mga possessions already and we relocate you to the remaining vacant areas in the country of your choice dahil gospel truth naman sa iyo yong sinasabi nga google at pacland na malayong maluwang ang bansa natin kaysa Singapore at Macau na di hamak na mayaman sa atin. Baka ang pagkaintindi pa niyo seguro sa population density data sa google e kagaya ng sinabi ni Joey Lina sa Harapan na sa bansa daw natin e mas marami tao kagaya Manila, mas mataas na per capita income. Kung andoon lang ako sinabi ko sana sa kanya na ilipat natin ang mga taga-Bicol at Batangas sa Laguna para maging Singaporena ang kanyang probinsiya. To end this morning lecture to the loyalists of Padre Damaso, I just want to warn you that defending the anti-RH position is dangerous to the IQ. Hindi lang si Lina na hinahangaan ko pa mandin dati due to his phenomenal rise in politics and apektado kundi si Congressman Roilo Golez. Ang talino pero noong dumating ang RH Bill e medyo kaunti na lang ang angat niya sa kakampi niyang si Congressman Pacquiao. Biruinmo sabihin sa national television during sa Harapan na bakit daw isusulong ang RH Bill e ang yayaman lang naman diyan e yong mga gumagawa ng contraceptives. Parang ang ibig sabihin e dahil kikita ang mga arms dealers pag bumili ng AFP ng armas, huwang ng magbudget ng pera ang Congress para sa modernization ng AFP at hayaan nang manatiling Jurassic ito. Kung sabihinko kaya na kikita rin ang mga kontratista sa Paranaque pag may mga infrastructure project doon? |
